yung nilalait lait ako na “napaka payat ko”. as in! sobrang nakakagigil. pwede ba? tigilan nyo nga ako. kayo kaya laitin ko, ha? kung mataba ka man o payat. masakit rin naman ah. porket hindi ako sobrang mataba, ayos lang na laitin ako?
hindi naman gumawa ang Diyos ng perpektong tao, tapos kung makalait kayo, kala nyo naman kung sino kayo.
gumagawa na nga ako ng paraan para magkaroon ng laman eh. -__- nag eexercise, tumatakbo, umiinom ng protein, tapos lamon ng lamon. kaya, please lang! wag nyo na akong asarin. kakabwiset eh.
lalo na kung yun ng lalait sakin, isa rin na payat. ikaw ba, sinasabihan ko ng “OMGOSH, ANG PAYAT PAYAT MO! HINDI KA NA TUMABA!!” tapos paulit, ulit ko pang sinasabi sayo, na parang sirang plaka. ano kaya mararamdaman mo?
point ko lang, masakit rin ah. porket payat ako, hindi ibig sabihin na pwede nyo ko asarin tungkol sa weight ko. tao rin ako, na may pakiramdam.